FAQs (Frequently Asked Questions)
Ano ang dapat kong gawin kapag nakatanggap ako ng text message from DSWD
na nagsabing mag-download ng PayMaya?
Ang PayMaya
ay nakipagtulungan sa DSWD para sa mabilisang pag-distribute ng second tranche
ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga pamilyang apektado ng COVID-19
crisis. Kung nakatanggap ka ng SMS mula sa DSWD, ibig sabihin ay maaaring parte
ka ng second batch na makakatanggap ng SAP Grant via PayMaya.
Maaaring tumawag o makipag-coordinate sa DSWD office sa inyong lugar para
ma-validate kung kasama ang iyong mobile number sa list of recipients ng SAP
Grant mula sa DSWD.
Kapag na-confirm na kasama ang iyong mobile number sa list of recipients at
nakatanggap ka ng SMS mula sa DSWD, i-download ang PayMaya app (
https://official.paymaya.com/CAK1/f5cf02c)
at mag-register gamit ang iyong mobile number na ni-register sa DSWD para
ma-claim ang iyong SAP Grant voucher. Kailangan ding sagutan ang DSWD
Validation Form na makikita sa loob ng PayMaya app para ma-validate kung tugma
ang impormasyon na iyong pinasa sa PayMaya at DSWD.
Anong mobile number ang dapat kong gamitin sa pag-gawa ng PayMaya
account?
Ang iyong
DSWD SAP Grant voucher ay naka-link sa mobile number na iyong isinubmit sa DSWD
para sa iyong SAP Grant. Siguraduhin ang mobile number o numero na iyong
gagamitin sa PayMaya ay tugma sa detalyeng nakalagay sa Social Amelioration
Card (SAC).
Dapat ko bang sagutan ang form na natanggap mula sa SMS at nakita sa loob
ng PayMaya app?
Oo,
importanteng sagutan ang DSWD Validation form na natanggap mula sa SMS o
makikita sa home screen ng PayMaya app. Ang form na ito ay makakatulong para
masiguro ng DSWD na ang makatatanggap ng grant ay ang mismong benepisyaryong
nakalista sa kanilang database. Siguraduhing ang impormasyon o detalye na iyong
ilalagay ay kaparehas sa kung ano ang nakalagay sa iyong Social Amelioration
Card (SAC).
Requirement po ba ang SAC form sa pag-sagot ng online web form? Paano kung
kinuha ng barangay ang kopya ko?
Kailangan
ang Social Amelioration Card (SAC) form upang masiguro na tugma ang mga
impormasyon na iyong pinasa sa DSWD at ginamit para mag-register sa PayMaya.
Ayon sa direktiba ng DSWD, kung hindi tugma ang impormasyong isinubmit sa form
na ito sa detalyeng nakalagay sa iyong SAC ay maaaring hindi matanggap ang SAP
Grant sa iyong PayMaya account. Mangyaring makipag-ugnayan sa DSWD office sa
inyong lugar para sa kopya ng iyong SAC form.
Saan ko makikita ang form na dapat sagutan? At ano ang mga dapat ilagay
sa form na ito?
Ang DSWD
Validation form ay maaring makita sa SMS na natanggap mula sa DSWD o sa banner
sa homepage ng iyong PayMaya app.
Sa mga
PayMaya users, sundin ang mga sumusunod:
1. Buksan ang inyong PayMaya app.
2. Hanapin sa homepage ang banner ng DSWD Validation form at i-click ito.
3. Ikaw ay mare-redirect sa online form.
4. Ilagay ang mga sumusunod na detalye: first, middle, last at extension name
kung mayroon, barangay, city/municipality, province, mobile number, birth date
at SAC ID Number.
5. Siguraduhin na ang impormasyong inilagay ay parehas sa detalyeng nakalagay
sa iyong Social Amelioration Card (SAC) form bago i-submit ang form.
Nakatanggap ako ng SMS mula sa DSWD ngunit hindi ko makita ang DSWD
Banner sa homepage ng PayMaya ko.
Kung ikaw ay
nakatanggap ng SMS ngunit di makita ang banner sa homepage ng iyong PayMay app,
maaring gawin ang mga susunod:
1. Siguraduhing may stable internet connection
2. i-refresh ang PayMaya app
3. Mag log-out at log-in ulit
4. Siguraduhing nag-agree sa mga Data Personalization sa PayMaya app, para
makita ang mga banner.
Hanggang kailan pwedeng sagutan ang DSWD Validation Form?
Mayroon ka
lamang 48 hours after ma-receive ang text mula sa DSWD para sagutan ang DSWD
Validation Form.
Ilang beses ako pwedeng sumagot ng DSWD Validation Form?
Isang beses
lang puwedeng sagutan ng qualified beneficiary ang DSWD Validation form.
Siguraduhin na ang impormasyon na ilalagay ay tugma sa detalyeng inilagay sa
inyong Social Amelioration Card (SAC).
Ano ang dapat gawin pagkatapos sagutan ang form?
Hintayin ang
confirmation text mula sa DSWD once na-validate ang information na iyong
isinubmit at kung ikaw ay kasama sa makakatanggap ng SAP Grant via Paymaya.
Asahang matatanggap ang confirmation via text message 3 business days
pagkatapos makumpleto ang DSWD Validation Form.
Bakit wala akong nareceive na voucher pero may SMS akong natanggap mula
sa DSWD?
Kung ikaw ay
nakatanggap ng unang text mula sa DSWD at wala kang natanggap na voucher,
maaaring:
1. Hindi mo nasagutan ang DSWD Validation Form matapos mag-register sa PayMaya
2. Ang detalye na iyong nilagay sa form ay hindi tugma sa detalye na nakalagay
sa iyong Social Amelioration Card
3. Ang iyong ginamit na mobile number ay may kaparehas sa database ng DSWD o
PayMaya
Maaaring makipag-ugnayan sa DSWD office sa inyong lugar upang malaman kung
paano makukuha ang iyong SAP Grant.
Wala akong smartphone. Paano ko matatanggap ang SAP Grant?
Dahil
kinakailangan ang smartphone para matanggap ang SAP Grant via PayMaya, maaaring
makipag-ugnayan sa DSWD office sa inyong lugar upang malaman kung paano
makukuha ang inyong SAP Grant.
Natanggap ko ang text message tungkol sa DSWD SAP Grant voucher na
pwedeng i-claim via PayMaya. Pwede po bang palitan ang mobile number ko para
dito?
Ang iyong
DSWD SAP Grant voucher ay naka-link sa mobile number na iyong isinubmit sa DSWD
para sa iyong SAP Grant. Dahil dito, hindi maaaring palitan ang mobile number
na iyong ini-register. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa DSWD
office sa inyong lugar.
Anong SIM o network ang pwedeng gamitin para mag-register sa PayMaya?
Pwedeng
mag-register sa PayMaya gamit ang inyong Smart, Sun, TNT, Globe, or TM SIM.
Tandaan na kailangan gamitin ang mobile number na nilagay sa Social
Amelioration Card (SAC) kapag pag-register sa PayMaya.
Hindi ako makagawa ng account o maka-login sa aking PayMaya account. Ano
ang pwede kong gawin?
Maaaring
tumawag sa PayMaya Hotline (632) 8845 7788 or mag-send ng message sa
PayMayaCares sa Facebook Messenger https://www.facebook.com/PayMayaCares/ para
ma-check ang iyong concern.
Paano mag-download ng PayMaya? Kailangan ko ba ng internet connection
para mag-download at mag-claim ng SAP Grant?
Yes,
kailangan ng Internet connection para mag-download at gumamit ng PayMaya app.
Mag-download ng PayMaya app sa
https://official.paymaya.com/CAK1/f5cf02c for
free sa Google Play Store, Apple App Store, o Huawei App Gallery. Mag-register
gamit ang mobile number na ginamit para mag-apply ng SAP Grant mula sa DSWD.
Siguraduhing i-download ang PayMaya app sa official app stores para ma-ensure
na secure ang iyong account. Siguraduhin may stable internet connection para
ma-download at magamit ang app.
Paano mag-register sa PayMaya?
Pagkatapos
i-download ang app, siguraduhin mag-register para magamit ito. Sundin ang mga
sumusunod:
1. Buksan ang inyong PayMaya app, I-click ang Register.
2. I-enter ang iyong personal information tulad ng iyong kumpletong pangalan,
at mobile number, at ang napili mong password. Tandaan: Siguraduhin na i-enter
ang mobile number na ginamit para mag-register sa DSWD SAP Grant.
3. I-click ang "Agree"
4. Hintayin ag verification text message na matatanggap sa iyong registered
number at i-enter ang code na natanggap.
5. I-click ang "Proceed" para makumpleto ang registration para sa
iyong PayMaya account.
Nakatanggap ako ng error message na nagsasabing "duplicate
account". Pwede ko bang magamit ang lumang account ko at i-claim ang
voucher?
Kung may
error na duplicate account, maaring mayroon nang nakapangalan o naka-register
na PayMaya account sa ibang mobile number. Para ma-resolve ito, mag-send ng
message sa PayMayaCares sa Facebook Messenger
https://www.facebook.com/PayMayaCares/ para
mag-file ng report at madeactivate ang duplicate account. Kakailanganin mong
pumili kung anong account ang iyong i-reretain.
Siguraduhing i-submit ang mga sumusunod kasama ng report:
-Valid ID na kaparehas ng pangalan na naka-register sa iyong PayMaya Account
-Letter of request na nakasulat ang iyong dalawang PayMaya account at ang
account na nais mong i-deactivate.
Tandaan: Ang iyong voucher ay maari lamang i-claim sa mobile number na iyong
pinasa sa DSWD, kaya i-ensure na ito ang number na iyong ire-retain.
Paano kung hindi ko na-claim ang voucher? Pwede ko pa rin bang makuha ang
SAP Grant?
Makipag-coordinate
sa DSWD office sa inyong lugar, upang malaman ang next steps kung sakaling
hindi mo nakuha ang voucher sa loob ng PayMaya app.
Magkano ang SAP Grant na matatanggap ko?
Ang SAP
Grant na matatanggap mo ay nakadepende kung saang rehiyon ka nakatira. Narito
ang listahan ng mga financial aid na maaaring matanggap via PayMaya sa mga
sumusunod na region:
NCR Beneficiaries - PHP 8,000.00
CAR Beneficiaries - PHP 5,500.00
Region I Beneficiaries - P5,500
Region III & IV-A Beneficiaries - PHP 6,500.00
Region VI & VII Beneficiaries - P6,000.00
Paano i-claim ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT VOUCHER sa PayMaya?
Para i-claim
ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT VOUCHER, sundin ang mga sumusunod:
1. Buksan ang iyong PayMaya app, hanapin ang “VOUCHERS” tab at i-click ito.
2. I-click ang "Claim" sa Bayanihan DSWD SAP Grant voucher na
available para sa iyong account.
3. Matapos ma-claim ang voucher, mapupunta na ang amount sa iyong PayMaya
Wallet. Pumunta sa homescreen ng iyong app upang makita ang iyong updated
balance.
Maaari mo nang gamitin ang funds sa iyong PayMaya account para ipambili ng
load, ipambayad ng bills, i-encash sa Smart Padala agent na malapit sa iyo, at
marami pang-iba!
Kailangan bang upgraded ang PayMaya account para makuha ang SAP Grant?
Hindi
kailangang upgraded ang iyong PayMaya account para ma-claim ang voucher sa app
at mai-encash ang SAP Grant na iyong natanggap. Ngunit kung mag-eencash ng
amount na higit sa SAP Grant na iyong natanggap sa iyong account, kailangan
nang i-upgrade ang iyong PayMaya account. Para sa malaman kung paano i-upgrade
ang iyong account, visit paymaya.com/upgrade.
Hanggang kailan pwedeng i-claim ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT CONFIRMATION
VOUCHER?
Maaaring
i-claim ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT VOUCHER hanggang sa validity date na
nakalagay sa iyong app. Upang makita ang validity date ng voucher, i-open ang
app at i-click ang "VOUCHERS" tab.
Anu-ano ang pwede kong gawin sa SAP Grant na natanggap sa aking PayMaya
account?
Ang SAP
Grant na natanggap mula sa DSWD sa iyong PayMaya app ay maaaring gamitin para:
- Bumili ng murang load (mula sa Smart, TNT, Sun, Globe, at TM). Halimbawa: ang
P50 na regular load ay P47.50 na lang kung binili sa PayMaya app dahil
makakatanggap ka ng 5% BalikBayad sa iyong account pagkatapos ng transaction.
Hanapin lang ang "Load" tab sa homepage ng PayMaya app.
- Magbayad ng bills sa kuryente, tubig, Internet, government agencies, at iba
pa nang hindi na pumipila. I-click lang ang "Bills" tab sa homepage
ng PayMaya app para malaman ang iba't-ibang billers na puwedeng bayaran.
- Magbayad sa grocery (kagaya ng Robinsons Supermarket) at pharmacy (tulad ng
Mercury Drug), at sa libo-libong merchants at tindahan na tumatanggap ng
PayMaya QR. Pindutin lang ang "Scan to Pay" button sa homepage ng
PayMaya app para magbayad gamit ang PayMaya QR.
- Makasali sa iba't-ibang promos ng PayMaya kung saan maaari kang makatanggap
ng BalikBayad sa bawat transaction.
Na-claim ko na ang SAP Grant voucher. May expiry ba ang PayMaya Credits?
Once
na-claim na ang SAP Grant voucher, mapupunta na ang amount sa iyong PayMaya
wallet at hindi na ito mag-eexpire. Maaring gamitin ang credits sa loob ng
PayMaya app para magbayad ng bills, bumili ng prepaid load anumang oras o
ipambayad sa tindahan o grocery na tumatanggap ng QR payments. May BalikBayad o
cashback ka pang pwedeng makuha.
Paano ko mae-encash ang SAP grant na natanggap sa aking PayMaya account?
Kung nais
i-encash ang iyong SAP Grant mula sa DSWD, humanap ng Smart Padala agent na
malapit sa iyo at itanong kung pwedeng mag-claim ng pera gamit ang DSWD QR
code. Ang Smart Padala agent na tumatanggap ng SAP Grant encashment ay may QR
code na may merchant name na "DSWD" kasunod ang pangalan ng kanilang
tindahan (ex.: DSWD MANG JOEL STORE).
Kapag na-confirm na pwedeng mag-claim ng SAP grant sa Smart Padala agent na
iyong napili, sundin ang mga sumusunod:
1. Siguraduhin na na-claim mo na ang DSWD voucher sa "VOUCHERS" tab
ng PayMaya home page.
2. Matapos i-claim ang DSWD voucher, bumalik sa home screen ng iyong PayMaya
app at i-click ang "Scan to Pay" button.
2. I-scan ang QR code ng Smart Padala Agent. Siguraduhin na ang lalabas na
pangalan ng merchant sa iyong screen ay nagsisimula sa "DSWD" kasunod
ang pangalan ng tindahan ng Smart Padala agent (ex. DSWD MANG JOEL STORE), at
hindi personal name.
3. Ilagay ang amount na nais mong i-encash sa box provided.
4. I-click ang CONTINUE. Basahing maigi at i-check ang mga impormasyon na iyong
inilagay para sa encashment. Kapag sigurado na, i-click ang PAY button.
5. Kung successful ang encashment, may lalabas na confirmation message sa
PayMaya app kasama ang details ng transaction. Makakatanggap rin ng text
message mula sa PayMaya with details ng iyong transaction.
6. Mag-fill out ng transaction slip mula sa Smart Padala agent kasama ang
reference number na iyong natanggap.
7. Ibigay ang transaction slip kasama ang iyong valid ID (government-issued,
photo-bearing, unexpired) sa agent para ma-claim ang inyong SAP grant. Para sa
listahan ng IDs na tinatanggap, visit
https://smartpadala.ph/faqs/#faq58. Ang P50.00 fee ay ibabawas na ng Smart Padala agent sa perang ibibigay sa
iyo para sa encashment.
Tandaan: Ang Php 50.00 Flat encashment fee ay available lamang sa Participating
Padala Agents, valid para sa one-time DSWD SAP Grant encashment transaction at
mag-aapply lang sa amount na up to P8,000. Ang susunod na encashment
transaction ay may charge na 1.5% fee. Isiping mabuti kung magkano ang pera na
kailangang i-encash para masulit ang encashment fee.
Nagpunta ako sa Smart Padala agent pero hindi daw sila tumatanggap ng
DSWD SAP encashment. Ano ang pwede kong gawin?
Kung ang
Smart Padala Agent na malapit sa inyo ay walang DSWD QR code, maaari pa ring
mag-encash mula sa PayMaya app gamit ang Send Money option to Smart Padala,
ngunit may kaukulang 1.5% service fee ang option na ito na ibabawas sa total
amount na nais mong i-encash.
Bago mag-encash, kunin ang 16-digit account ng Smart Padala agent na iyong
napili. Pagkatapos, sundin ang mga sumusunod:
1. Mag-log in sa iyong PayMaya app at pindutin ang SEND MONEY.
2. Sa unang box, i-enter ang 16-digit Smart Padala account number na nakuha
mula sa agent.
3. Sa susunod na box, ilagay ang amount na nais mong i-encash. Tandaan na ang
encashment sa Smart Padala na hindi via DSWD QR ay may bayad na 1.5% encashment
fee na automatic na macha-charge sa bawat transaction. Hindi dapat ito ibawas
ng agent sa ibibigay na cash sa iyo.
4. Matapos i-enter ng details, i-click ang CONTINUE. Basahing maigi at i-check
nang maigi ang mga impormasyon na iyong nilagay. Kapag nasigurong tama na ang
mga ito, i-click ang SEND button.
5. Kung successful ang transaction, may lalabas na confirmation sa iyong
PayMaya app na naipadala na ang pera sa account ng Smart Padala agent. May
matatanggap ka ring text message kung saan nakalagay ang reference number na
ibibigay sa agent.
6. Mag-fill-out ng transaction slip mula sa Smart Padala agent, kasama na ang
reference number na natanggap via text message.
7. Ibigay ang filled-out transaction slip kasama ang iyong valid ID
(government-issued, photo-bearing, unexpired) para ma-claim ang iyong SAP grant
mula sa agent. Para sa listahan ng IDs na tinatanggap, visit
https://smartpadala.ph/faqs/#faq5
Magkano ang encashment fee sa Smart Padala?
Ang
encashment ng DSWD SAP Grant sa piling Smart Padala agents via DSWD QR ay may
flat service fee na P50.00. Ang fee na ito ay for one-time encashment lang at
applicable hanggang August 31, 2020. Ang maximum amount na maaaring i-encash
with this flat service fee ay depende sa SAP Grant na matatanggap per region:
Metro Manila: P8,000
Region I: P5,500
Region III: P6,500
Region IV-A: P6,500
Region VI: P6,000.00
CAR: P5,500
Kung mag-e-encash ng SAP Grant na hindi via DSWD QR, ito ay magkakaroon ng
standard service charge na 1.5% of the amount na nais i-encash.
Saang Smart Padala pwedeng mag-encash?
Para malaman
ang pinakamalapit na Smart Padala agent na tumatanggap ng encashment via DSWD
QR, i-check ang listahan sa taas
May limit ba ang pag-encash at pag-Send Money to Smart Padala via PayMaya
app?
Ang
beneficiaries ng DSWD SAP Grant ay maaaring mag-encash gamit ang PayMaya app
via Smart Padala agents. Ang P50 service fee ay isang beses lang maaaring
mag-apply during encashment via DSWD QR at applicable lamang hanggang August
31, 2020. Ang maximum amount na maaaring i-encash ay kung magkano ang natanggap
na SAP grant mula sa DSWD.
Kung hindi nai-encash ang full amount mula sa SAP Grant, maaari pa ring
mai-encash ang remaining amount sa Smart Padala agent ngunit magkakaroon na ito
ng service fee na 1.5% of the total amount.
Kung nais namang mag-encash o mag-Send Money ng pera na mas higit sa P8,000,
kailangan mo nang i-upgrade ang iyong PayMaya account.