Paano Makukuha Ng Mga Beneficiaries Ang DSWD SAP Grant (Second Tranche of SAP) Sa Pamamagitan Ng PayMaya?

-           Source:  DSWD | PayMaya

Katulong ng DSWD ang PayMaya para mas mabilis na maihatid ang Social Amelioration Program (SAP) Grant sa mga qualified beneficiaries sa iba't ibang lugar nationwide.​​ Kung ikaw ay isa sa mga napiling makatanggap ng financial assistance via PayMaya, mag-download na ng PayMaya app at mag-register for an account.

Paano i-claim ang inyong DSWD SAP Grant mula sa PayMaya?

1. Makatatanggap ka ng SMS mula sa DSWD.



 

2. 







  

2. Mag-download ng PayMaya app at mag-register gamit ang mobile number na inilagay sa Social Amelioration Card (SAC).




3. Sagutan ang DSWD Validation Form at siguraduhing pareho ang detalye na ibinigay sa SAC.




4. Hintayin ang SMS mula sa DSWD na nagsasabing available na ang inyong SAP Grant voucher sa PayMaya.




5. I-claim ang SAP Grant Voucher sa inyong PayMaya App.



Ang funds na nakuha sa inyong PayMaya account ay maaaring gamitin para:

Ø > I-encash via DSWD QR sa piling Padala Agents

Ang nandito po sa atin sa Quirino Hill area na piling Padala Agents ay ang mga sumusunod:

Tignan pa po sa baba ang iba pang mga piling Padala Agents at ang kanilang locations sa ating lugar dito sa Baguio

Ø > Pambayad ng bills

Ø > Pambayad ng mga bilihin via PayMaya QR

Ø > Pangload na may cashback











FAQs (Frequently Asked Questions)

Ano ang dapat kong gawin kapag nakatanggap ako ng text message from DSWD na nagsabing mag-download ng PayMaya?

Ang PayMaya ay nakipagtulungan sa DSWD para sa mabilisang pag-distribute ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 crisis. Kung nakatanggap ka ng SMS mula sa DSWD, ibig sabihin ay maaaring parte ka ng second batch na makakatanggap ng SAP Grant via PayMaya.

Maaaring tumawag o makipag-coordinate sa DSWD office sa inyong lugar para ma-validate kung kasama ang iyong mobile number sa list of recipients ng SAP Grant mula sa DSWD.

Kapag na-confirm na kasama ang iyong mobile number sa list of recipients at nakatanggap ka ng SMS mula sa DSWD, i-download ang PayMaya app (https://official.paymaya.com/CAK1/f5cf02c) at mag-register gamit ang iyong mobile number na ni-register sa DSWD para ma-claim ang iyong SAP Grant voucher. Kailangan ding sagutan ang DSWD Validation Form na makikita sa loob ng PayMaya app para ma-validate kung tugma ang impormasyon na iyong pinasa sa PayMaya at DSWD.

Anong mobile number ang dapat kong gamitin sa pag-gawa ng PayMaya account?

Ang iyong DSWD SAP Grant voucher ay naka-link sa mobile number na iyong isinubmit sa DSWD para sa iyong SAP Grant. Siguraduhin ang mobile number o numero na iyong gagamitin sa PayMaya ay tugma sa detalyeng nakalagay sa Social Amelioration Card (SAC).

Dapat ko bang sagutan ang form na natanggap mula sa SMS at nakita sa loob ng PayMaya app?

Oo, importanteng sagutan ang DSWD Validation form na natanggap mula sa SMS o makikita sa home screen ng PayMaya app. Ang form na ito ay makakatulong para masiguro ng DSWD na ang makatatanggap ng grant ay ang mismong benepisyaryong nakalista sa kanilang database. Siguraduhing ang impormasyon o detalye na iyong ilalagay ay kaparehas sa kung ano ang nakalagay sa iyong Social Amelioration Card (SAC).

Requirement po ba ang SAC form sa pag-sagot ng online web form? Paano kung kinuha ng barangay ang kopya ko?

Kailangan ang Social Amelioration Card (SAC) form upang masiguro na tugma ang mga impormasyon na iyong pinasa sa DSWD at ginamit para mag-register sa PayMaya. Ayon sa direktiba ng DSWD, kung hindi tugma ang impormasyong isinubmit sa form na ito sa detalyeng nakalagay sa iyong SAC ay maaaring hindi matanggap ang SAP Grant sa iyong PayMaya account. Mangyaring makipag-ugnayan sa DSWD office sa inyong lugar para sa kopya ng iyong SAC form.

Saan ko makikita ang form na dapat sagutan? At ano ang mga dapat ilagay sa form na ito?

Ang DSWD Validation form ay maaring makita sa SMS na natanggap mula sa DSWD o sa banner sa homepage ng iyong PayMaya app.

Sa mga PayMaya users, sundin ang mga sumusunod:
1. Buksan ang inyong PayMaya app.
2. Hanapin sa homepage ang banner ng DSWD Validation form at i-click ito.
3. Ikaw ay mare-redirect sa online form.
4. Ilagay ang mga sumusunod na detalye: first, middle, last at extension name kung mayroon, barangay, city/municipality, province, mobile number, birth date at SAC ID Number.
5. Siguraduhin na ang impormasyong inilagay ay parehas sa detalyeng nakalagay sa iyong Social Amelioration Card (SAC) form bago i-submit ang form.

Nakatanggap ako ng SMS mula sa DSWD ngunit hindi ko makita ang DSWD Banner sa homepage ng PayMaya ko.

Kung ikaw ay nakatanggap ng SMS ngunit di makita ang banner sa homepage ng iyong PayMay app, maaring gawin ang mga susunod:

1. Siguraduhing may stable internet connection
2. i-refresh ang PayMaya app
3. Mag log-out at log-in ulit
4. Siguraduhing nag-agree sa mga Data Personalization sa PayMaya app, para makita ang mga banner.

Hanggang kailan pwedeng sagutan ang DSWD Validation Form?

Mayroon ka lamang 48 hours after ma-receive ang text mula sa DSWD para sagutan ang DSWD Validation Form.

Ilang beses ako pwedeng sumagot ng DSWD Validation Form?

Isang beses lang puwedeng sagutan ng qualified beneficiary ang DSWD Validation form. Siguraduhin na ang impormasyon na ilalagay ay tugma sa detalyeng inilagay sa inyong Social Amelioration Card (SAC).

Ano ang dapat gawin pagkatapos sagutan ang form?

Hintayin ang confirmation text mula sa DSWD once na-validate ang information na iyong isinubmit at kung ikaw ay kasama sa makakatanggap ng SAP Grant via Paymaya. Asahang matatanggap ang confirmation via text message 3 business days pagkatapos makumpleto ang DSWD Validation Form.

Bakit wala akong nareceive na voucher pero may SMS akong natanggap mula sa DSWD?

Kung ikaw ay nakatanggap ng unang text mula sa DSWD at wala kang natanggap na voucher, maaaring:

1. Hindi mo nasagutan ang DSWD Validation Form matapos mag-register sa PayMaya
2. Ang detalye na iyong nilagay sa form ay hindi tugma sa detalye na nakalagay sa iyong Social Amelioration Card
3. Ang iyong ginamit na mobile number ay may kaparehas sa database ng DSWD o PayMaya

Maaaring makipag-ugnayan sa DSWD office sa inyong lugar upang malaman kung paano makukuha ang iyong SAP Grant.

Wala akong smartphone. Paano ko matatanggap ang SAP Grant?

Dahil kinakailangan ang smartphone para matanggap ang SAP Grant via PayMaya, maaaring makipag-ugnayan sa DSWD office sa inyong lugar upang malaman kung paano makukuha ang inyong SAP Grant.

Natanggap ko ang text message tungkol sa DSWD SAP Grant voucher na pwedeng i-claim via PayMaya. Pwede po bang palitan ang mobile number ko para dito?

Ang iyong DSWD SAP Grant voucher ay naka-link sa mobile number na iyong isinubmit sa DSWD para sa iyong SAP Grant. Dahil dito, hindi maaaring palitan ang mobile number na iyong ini-register. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa DSWD office sa inyong lugar.

Anong SIM o network ang pwedeng gamitin para mag-register sa PayMaya?

Pwedeng mag-register sa PayMaya gamit ang inyong Smart, Sun, TNT, Globe, or TM SIM. Tandaan na kailangan gamitin ang mobile number na nilagay sa Social Amelioration Card (SAC) kapag pag-register sa PayMaya.

Hindi ako makagawa ng account o maka-login sa aking PayMaya account. Ano ang pwede kong gawin?

Maaaring tumawag sa PayMaya Hotline (632) 8845 7788 or mag-send ng message sa PayMayaCares sa Facebook Messenger https://www.facebook.com/PayMayaCares/ para ma-check ang iyong concern.

Paano mag-download ng PayMaya? Kailangan ko ba ng internet connection para mag-download at mag-claim ng SAP Grant?

Yes, kailangan ng Internet connection para mag-download at gumamit ng PayMaya app.

Mag-download ng PayMaya app sa https://official.paymaya.com/CAK1/f5cf02c for free sa Google Play Store, Apple App Store, o Huawei App Gallery. Mag-register gamit ang mobile number na ginamit para mag-apply ng SAP Grant mula sa DSWD. Siguraduhing i-download ang PayMaya app sa official app stores para ma-ensure na secure ang iyong account. Siguraduhin may stable internet connection para ma-download at magamit ang app.

Paano mag-register sa PayMaya?

Pagkatapos i-download ang app, siguraduhin mag-register para magamit ito. Sundin ang mga sumusunod:

1. Buksan ang inyong PayMaya app, I-click ang Register.
2. I-enter ang iyong personal information tulad ng iyong kumpletong pangalan, at mobile number, at ang napili mong password. Tandaan: Siguraduhin na i-enter ang mobile number na ginamit para mag-register sa DSWD SAP Grant.
3. I-click ang "Agree"
4. Hintayin ag verification text message na matatanggap sa iyong registered number at i-enter ang code na natanggap.
5. I-click ang "Proceed" para makumpleto ang registration para sa iyong PayMaya account.

Nakatanggap ako ng error message na nagsasabing "duplicate account". Pwede ko bang magamit ang lumang account ko at i-claim ang voucher?

Kung may error na duplicate account, maaring mayroon nang nakapangalan o naka-register na PayMaya account sa ibang mobile number. Para ma-resolve ito, mag-send ng message sa PayMayaCares sa Facebook Messenger https://www.facebook.com/PayMayaCares/ para mag-file ng report at madeactivate ang duplicate account. Kakailanganin mong pumili kung anong account ang iyong i-reretain.

Siguraduhing i-submit ang mga sumusunod kasama ng report:
-Valid ID na kaparehas ng pangalan na naka-register sa iyong PayMaya Account
-Letter of request na nakasulat ang iyong dalawang PayMaya account at ang account na nais mong i-deactivate.


Tandaan: Ang iyong voucher ay maari lamang i-claim sa mobile number na iyong pinasa sa DSWD, kaya i-ensure na ito ang number na iyong ire-retain.

Paano kung hindi ko na-claim ang voucher? Pwede ko pa rin bang makuha ang SAP Grant?

Makipag-coordinate sa DSWD office sa inyong lugar, upang malaman ang next steps kung sakaling hindi mo nakuha ang voucher sa loob ng PayMaya app.

Magkano ang SAP Grant na matatanggap ko?

Ang SAP Grant na matatanggap mo ay nakadepende kung saang rehiyon ka nakatira. Narito ang listahan ng mga financial aid na maaaring matanggap via PayMaya sa mga sumusunod na region:

NCR Beneficiaries - PHP 8,000.00
CAR Beneficiaries - PHP 5,500.00
Region I Beneficiaries - P5,500
Region III & IV-A Beneficiaries - PHP 6,500.00
Region VI & VII Beneficiaries - P6,000.00

Paano i-claim ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT VOUCHER sa PayMaya?

Para i-claim ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT VOUCHER, sundin ang mga sumusunod:

1. Buksan ang iyong PayMaya app, hanapin ang “VOUCHERS” tab at i-click ito.
2. I-click ang "Claim" sa Bayanihan DSWD SAP Grant voucher na available para sa iyong account.
3. Matapos ma-claim ang voucher, mapupunta na ang amount sa iyong PayMaya Wallet. Pumunta sa homescreen ng iyong app upang makita ang iyong updated balance.

Maaari mo nang gamitin ang funds sa iyong PayMaya account para ipambili ng load, ipambayad ng bills, i-encash sa Smart Padala agent na malapit sa iyo, at marami pang-iba!

Kailangan bang upgraded ang PayMaya account para makuha ang SAP Grant?

Hindi kailangang upgraded ang iyong PayMaya account para ma-claim ang voucher sa app at mai-encash ang SAP Grant na iyong natanggap. Ngunit kung mag-eencash ng amount na higit sa SAP Grant na iyong natanggap sa iyong account, kailangan nang i-upgrade ang iyong PayMaya account. Para sa malaman kung paano i-upgrade ang iyong account, visit paymaya.com/upgrade.

Hanggang kailan pwedeng i-claim ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT CONFIRMATION VOUCHER?

Maaaring i-claim ang BAYANIHAN DSWD SAP GRANT VOUCHER hanggang sa validity date na nakalagay sa iyong app. Upang makita ang validity date ng voucher, i-open ang app at i-click ang "VOUCHERS" tab.

Anu-ano ang pwede kong gawin sa SAP Grant na natanggap sa aking PayMaya account?

Ang SAP Grant na natanggap mula sa DSWD sa iyong PayMaya app ay maaaring gamitin para:

- Bumili ng murang load (mula sa Smart, TNT, Sun, Globe, at TM). Halimbawa: ang P50 na regular load ay P47.50 na lang kung binili sa PayMaya app dahil makakatanggap ka ng 5% BalikBayad sa iyong account pagkatapos ng transaction. Hanapin lang ang "Load" tab sa homepage ng PayMaya app.

- Magbayad ng bills sa kuryente, tubig, Internet, government agencies, at iba pa nang hindi na pumipila. I-click lang ang "Bills" tab sa homepage ng PayMaya app para malaman ang iba't-ibang billers na puwedeng bayaran.

- Magbayad sa grocery (kagaya ng Robinsons Supermarket) at pharmacy (tulad ng Mercury Drug), at sa libo-libong merchants at tindahan na tumatanggap ng PayMaya QR. Pindutin lang ang "Scan to Pay" button sa homepage ng PayMaya app para magbayad gamit ang PayMaya QR.

- Makasali sa iba't-ibang promos ng PayMaya kung saan maaari kang makatanggap ng BalikBayad sa bawat transaction.

Na-claim ko na ang SAP Grant voucher. May expiry ba ang PayMaya Credits?

Once na-claim na ang SAP Grant voucher, mapupunta na ang amount sa iyong PayMaya wallet at hindi na ito mag-eexpire. Maaring gamitin ang credits sa loob ng PayMaya app para magbayad ng bills, bumili ng prepaid load anumang oras o ipambayad sa tindahan o grocery na tumatanggap ng QR payments. May BalikBayad o cashback ka pang pwedeng makuha.

Paano ko mae-encash ang SAP grant na natanggap sa aking PayMaya account?

Kung nais i-encash ang iyong SAP Grant mula sa DSWD, humanap ng Smart Padala agent na malapit sa iyo at itanong kung pwedeng mag-claim ng pera gamit ang DSWD QR code. Ang Smart Padala agent na tumatanggap ng SAP Grant encashment ay may QR code na may merchant name na "DSWD" kasunod ang pangalan ng kanilang tindahan (ex.: DSWD MANG JOEL STORE).

Kapag na-confirm na pwedeng mag-claim ng SAP grant sa Smart Padala agent na iyong napili, sundin ang mga sumusunod:

1. Siguraduhin na na-claim mo na ang DSWD voucher sa "VOUCHERS" tab ng PayMaya home page.
2. Matapos i-claim ang DSWD voucher, bumalik sa home screen ng iyong PayMaya app at i-click ang "Scan to Pay" button.
2. I-scan ang QR code ng Smart Padala Agent. Siguraduhin na ang lalabas na pangalan ng merchant sa iyong screen ay nagsisimula sa "DSWD" kasunod ang pangalan ng tindahan ng Smart Padala agent (ex. DSWD MANG JOEL STORE), at hindi personal name.
3. Ilagay ang amount na nais mong i-encash sa box provided.
4. I-click ang CONTINUE. Basahing maigi at i-check ang mga impormasyon na iyong inilagay para sa encashment. Kapag sigurado na, i-click ang PAY button.
5. Kung successful ang encashment, may lalabas na confirmation message sa PayMaya app kasama ang details ng transaction. Makakatanggap rin ng text message mula sa PayMaya with details ng iyong transaction.
6. Mag-fill out ng transaction slip mula sa Smart Padala agent kasama ang reference number na iyong natanggap.
7. Ibigay ang transaction slip kasama ang iyong valid ID (government-issued, photo-bearing, unexpired) sa agent para ma-claim ang inyong SAP grant. Para sa listahan ng IDs na tinatanggap, visit https://smartpadala.ph/faqs/#faq5
8. Ang P50.00 fee ay ibabawas na ng Smart Padala agent sa perang ibibigay sa iyo para sa encashment.

Tandaan: Ang Php 50.00 Flat encashment fee ay available lamang sa Participating Padala Agents, valid para sa one-time DSWD SAP Grant encashment transaction at mag-aapply lang sa amount na up to P8,000. Ang susunod na encashment transaction ay may charge na 1.5% fee. Isiping mabuti kung magkano ang pera na kailangang i-encash para masulit ang encashment fee.

Nagpunta ako sa Smart Padala agent pero hindi daw sila tumatanggap ng DSWD SAP encashment. Ano ang pwede kong gawin?

Kung ang Smart Padala Agent na malapit sa inyo ay walang DSWD QR code, maaari pa ring mag-encash mula sa PayMaya app gamit ang Send Money option to Smart Padala, ngunit may kaukulang 1.5% service fee ang option na ito na ibabawas sa total amount na nais mong i-encash.

Bago mag-encash, kunin ang 16-digit account ng Smart Padala agent na iyong napili. Pagkatapos, sundin ang mga sumusunod:

1. Mag-log in sa iyong PayMaya app at pindutin ang SEND MONEY.
2. Sa unang box, i-enter ang 16-digit Smart Padala account number na nakuha mula sa agent.
3. Sa susunod na box, ilagay ang amount na nais mong i-encash. Tandaan na ang encashment sa Smart Padala na hindi via DSWD QR ay may bayad na 1.5% encashment fee na automatic na macha-charge sa bawat transaction. Hindi dapat ito ibawas ng agent sa ibibigay na cash sa iyo.
4. Matapos i-enter ng details, i-click ang CONTINUE. Basahing maigi at i-check nang maigi ang mga impormasyon na iyong nilagay. Kapag nasigurong tama na ang mga ito, i-click ang SEND button.
5. Kung successful ang transaction, may lalabas na confirmation sa iyong PayMaya app na naipadala na ang pera sa account ng Smart Padala agent. May matatanggap ka ring text message kung saan nakalagay ang reference number na ibibigay sa agent.
6. Mag-fill-out ng transaction slip mula sa Smart Padala agent, kasama na ang reference number na natanggap via text message.
7. Ibigay ang filled-out transaction slip kasama ang iyong valid ID (government-issued, photo-bearing, unexpired) para ma-claim ang iyong SAP grant mula sa agent. Para sa listahan ng IDs na tinatanggap, visit https://smartpadala.ph/faqs/#faq5

Magkano ang encashment fee sa Smart Padala?

Ang encashment ng DSWD SAP Grant sa piling Smart Padala agents via DSWD QR ay may flat service fee na P50.00. Ang fee na ito ay for one-time encashment lang at applicable hanggang August 31, 2020. Ang maximum amount na maaaring i-encash with this flat service fee ay depende sa SAP Grant na matatanggap per region:

Metro Manila: P8,000
Region I: P5,500
Region III: P6,500
Region IV-A: P6,500
Region VI: P6,000.00
CAR: P5,500

Kung mag-e-encash ng SAP Grant na hindi via DSWD QR, ito ay magkakaroon ng standard service charge na 1.5% of the amount na nais i-encash.

Saang Smart Padala pwedeng mag-encash?

Para malaman ang pinakamalapit na Smart Padala agent na tumatanggap ng encashment via DSWD QR, i-check ang listahan sa taas

May limit ba ang pag-encash at pag-Send Money to Smart Padala via PayMaya app?

Ang beneficiaries ng DSWD SAP Grant ay maaaring mag-encash gamit ang PayMaya app via Smart Padala agents. Ang P50 service fee ay isang beses lang maaaring mag-apply during encashment via DSWD QR at applicable lamang hanggang August 31, 2020. Ang maximum amount na maaaring i-encash ay kung magkano ang natanggap na SAP grant mula sa DSWD.

Kung hindi nai-encash ang full amount mula sa SAP Grant, maaari pa ring mai-encash ang remaining amount sa Smart Padala agent ngunit magkakaroon na ito ng service fee na 1.5% of the total amount.

Kung nais namang mag-encash o mag-Send Money ng pera na mas higit sa P8,000, kailangan mo nang i-upgrade ang iyong PayMaya account.


No comments:

Post a Comment

R.A. 11202 - An Act Requiring Mobile Service Providers To Provide Nationwide Mobile Number Portability To Subscribers

The Senate approved this Act on the third reading on November 13, 2018 and was signed into law by President Rodrigo Roa Duterte on February ...