Mga Karapatan Ng Mamamayan Hango Sa Saligang Batas Ng 1987

1. Ang karapatang mabuhay, maging malaya or sa ari-arian.
2. Ang karapatan ng mamamayan na maging ligtas sa kanilang katauhan, tahanan, mga kalatas o dokumento laban sa di makatarungang paghahalughug.
3. Ang pagiging lihim ng mga sulat o kalatas ay di dapat labagin.
4. Kalayaan sa pagsasalita o pamamahayag.
5. Malayang pananampalataya.
6. Kalayaan sa pninirahan at paglilipat.
7. Karapatang kumuha ng mga impormasyon sa pamahalaan.
8. Karapatan ng mga mamamayan na bumuo ng mga union, samahan o sosyedad.
9. Malayang pakikipagkasundo sa mga kontrata.
10. Malayang pagdulog sa mga hukuman.
11. Karapatan ng isang sinisiyasat na ipaalam sa kanya ang kanyang mga karapatan bilang nasasakdal.
12. Pagbabawal sa pagpapahirap, o paggamit ng lakas, karahasan, o pananakit na sisira sa malayang pag-iisip.
13. Ang karapatan ng nasasakdal na magpiyansa laban sa mga nagkasala ng mabibigat na kaso ayon sa batas.
14. Karapatan ng nasasakdal ang makatarungang proseso ng batas.
15. Karapatan sa "writ of habeas corpus".
16. Karapatan ng mga mamamayan ang mabilis na paglilitis ng mga hukuman o tanggapang administratibo.
17. Pagbabawal na pilitin ang isang tao na maging saksi laban sa kanyang sarili.
18. Kalayaan sa mga paniniwala at adhikaing politikal.
19. Pagbabawal sa pilitang pagsisilbi.
20. Pagbabawal ng mga multa na may kalabisan.
21. Pagbabawal ng paggamit ng mga paraan sa mga kulungan na magpapababa ng uri ng pagkatao ng isang bilanggo.
22. Pagbabawal sa pagkulong sa isag hindi nakabayad ng buwis sa pagkamamamayan.
23. Karapatan ng isang tao na hindi na muli malagay sa pangalawang panganib na muling makulong sa kahintulad na kaso at pinagmulan.
24. Pagbabawal ng pagpapanukala ng batas na nagpaparusa sa mga krimen na naganap na ng wala pa sa batas.

Civil rights according to the 1987 Constitution


No comments:

Post a Comment

R.A. 11202 - An Act Requiring Mobile Service Providers To Provide Nationwide Mobile Number Portability To Subscribers

The Senate approved this Act on the third reading on November 13, 2018 and was signed into law by President Rodrigo Roa Duterte on February ...