BPOC Social Media Post on MArch 21, 2020:
"- Iwasan po muna natin ang mga labis na pag-iinom ng alak with barkadas sa loob ng bahay, sa araw at gabi, sa gitna ng kalamidad, ipinagbabawal na din po ang ganyan, show your symphaty po for those who are greatly affected, marami pong hindi na sapat ang kinakain dahil sa problema sa COVID-19. Kung maaari, kung gusto nyo po, ay ibigay na lang po natin sa mga nangangailangan ang cash na ating ibinibili ng alak, bukas naman po ang barangay hall na tumanggap ng donations para sa mga mas grabe pang nasalanta ng kalamidad na ito sa ating kumunidad, mas mabuti na po ito kesa sa mabote 😀 At, marami din naman pong diversion na pwedeng gawin habang naka home or community quarantine - imbis na uminum ng alak ay maglinis, magbasa ng mga librong matagal ng hindi binubuklat, i-repair ang sirang furnitures, atbp."
- Sa mga sari-sari stores naman po sa barangay, for your own good and other people po ay sana mag-lagay din po ng signage sa harap ng establisyemento nyo na: "Observe Social Distancing" at kung maaari pati na rin po ang: "No Facemask (abungot), No entrance/transaction", hindi po ito over-reactive, ito po ay hustong measures lang para maiwasan ang maaaring transmission of disease lalo na ang COVID-19.
- Pati nga rin po mga pets like dogs, cats, etc. ay i-quarantine o ikulong na lang sa loob ng bahay dahil sa zoonotic characteristic ng virus na sanhi ng COVID-19.
- Para po sa tulong xng gobyerno for displaced workers, not all will be given daw po, hindi po kasi qualified displaced workers ang na-intake na iba dahil maaari din silang naka work at home, at meron ding hindi na-intake ang pangalan na totoong displaced workers dahil wala siya nuong panahon ng pag-intake, we're given limited but sapat na oras na rin po nu'ng tayo ay nag-intake ng displaced workers pero wala po talaga kayo nuon kaya ang recommended po sa inyo ay magtungo po sa barangay hall kung naniniwala kayong qualified kayo as displaced workers."
PHOTOS: Kag. Pedro Dasing doing a house-to-house activity to intake displaced workers due to the Enhanced Community Quarantine (ECQ).