"Sa lahat po ng lalabas ng barangay na pupunta sa ibang lugar inside or outside Baguio City o papasok sa barangay galing sa ibang lugar within or outside the city, maaari lang pong magsadya sa ating Barangay Hall para pumirma ng Baguio City Health Declaration Form. Ito po ay mandatory as precautionary measure by the City of Baguio against the transmission of COVID-19, pursuant to Proclamation No. 922, March 8, 2020, and Section 16 of the Local government Code."
Ipinaa-alala lang po na iwasan na rin pong lumabas ng Barangay kung hindi naman po importante ang sasadyahin sa labas ng ating lugar. Meron pong pinakamalapit na sattelite market or talipapa sa ating lugar or kalapit-lugar na puwedeng puntahan para sa basic na pangangailangan o food supplies. Meron na din pong ginagawang hakbang ang Gobyerno upang mabigyan solusyon ang mga iba pang isyu o problemang naidulot ng enhanced community quarantine katulad ng kabuhayan, atbp.
Pinagbabawal na din po ang paglalabas-labas ng mga bata at paglalaro sa mga public places, wala pong silbi ang pag suspende ng klase ng mga bata kung hinahayaan din naman po nating pakalat-kalat sila sa mga hindi safe or secured na lugar dahil declared na pong under calamity status na ang siyudad ng Baguio.
Sa mga drivers ng public transportation, mga workers ng mga nag-close na establishments, at iba pang displaced workers dahil sa quarantine, makipag-ugnayan lang po sa mga barangay officials, volunteers and functionalities upang mailista po ang inyong mga pangalan.
Para po sa mga magta-trabaho pa rin, meron pong dalawang dyip lang na mago-operate kada araw per barangay na pwedeng masakyan, kinakailangan lang po na magsuot ng facemask kung lalabas na ng bahay. Kailangan din pong pumunta muna sa Barangay Hall upang ilista ang pangalan at kung saan pupunta para ma-monitor ang movement ng labas-pasok ng barangay.
No comments:
Post a Comment