MARCH 20, 2020 | BPOC UPDATE ON ECQ IN SOCIAL MEDIA FOR THE MIDDLE QUIRINO HILL BARANGAY

- Ang Special Travel Clearance (STC) po ay pipirmahan ng mga magta-travel outside the Baguio City, ito po ay magse-certify na ang isang tao na nakasulat sa clearance na ito ay hindi person under monitoring (PUM) o hindi person under investigation ng barangay, na sila po ay sumusunod sa mga rules and protocols na inilatag ng mga awtoridad in line with the enhanced community quarantine and measures against COVID-19, na ito po ay inisyu ng authorized person sa barangay nagpapatunay na tama ang lahat na nakalagay na datus dito.


- Reiterating po na 24 hours ang curfew sa mga bata (below 18) kaya po habang maaari ay wag palabasin sa mga kalsada o anumang public places dahil under calamity status ang bansa.

- Ang paglabas po ng bahay kung maaari ay iwasan muna except only kung bibili ng pagkain at mga basic needs, o kung may medical emergency - ito po ay measure upang ma-prevent ang transmission o contracting of diseases, especially the dreaded COVID-19.

- Nagro-ronda po ang ating mga tanods, night and day, upang i-enforce o i-implement ang mga ordinances, enhanced community quarantine and COVID-19 prevention rules and protocols, and of course the law in the barangay.

- Ang BHERT o Barangay Health Emergency Response Team ay nasa entrance po ng barangay hall upang mag monitor ng mga in and out na constituents sa barangay hall.

- Ang tamang paraan po ng pag-ubo during contagious disease outbreak ay ang mga sumusunod:

* Takpan ang ilong o bibig gamit ang braso o tisyu,
* itapon ang ginamit na tisyu sa basurahan,
* ugaliin ang mag hugas ng kamay pagkatapos umubo o bumahin 
   (ang dali lang naman po)

- Thanks and remain COVID-19 free always po.

MIDDLE QUIRINO HILL RESPONSE AGAINST COVID-19 PHOTO


MIDDLE QUIRINO HILL RESPONSE AGAINST COVID-19 PHOTO

MIDDLE QUIRINO HILL RESPONSE AGAINST COVID-19 PHOTO






No comments:

Post a Comment

R.A. 11202 - An Act Requiring Mobile Service Providers To Provide Nationwide Mobile Number Portability To Subscribers

The Senate approved this Act on the third reading on November 13, 2018 and was signed into law by President Rodrigo Roa Duterte on February ...