> 24 hours pong bawal ang palakad-lakad sa labas ng bahay na wala naman pong hustong pupuntahan, this will cause an arrest po kaya manatili po lang sa loob ng bahay kung kinakailangan.
> Yun pong nangangailangan ng emergency medical care, meron pong established na special taxi service na pwedeng asahan, ang hotline po ay 09236207038, tawagan lang po ito para makakuha kayo ng taxi during medical emergency, exception po ay kung extreme o grabe na pong kailangan ang pagdala sa ospital ang isang pasyente, kailangan na pong gumamit ng mahahagilap nyong sasakyan, ang rationale po ay kontrolado lang po sana ang mga taxi na dumadaan sa kalsada.
> Motorcycles and bicycles ay pwede pong gamitin para pumunta sa importanteng pupuntahan, bawal lang po ang angkas.
> Sa mga PUJ's po na binigyan ng travel permit ng barangay para makapag transport ng mga commuters sa sinasakupang brgy, meron din po sanang issued special permits ng bcpo kung saan merong validity dates na naka indicate, at ang signed banner ng city mayor na nakalagay sa harap or hood ng bawat sasakyan allowing the vehicle to travel within the city as special service ay nakakabit po sana para kita kaagad.
> Ang sunday po ay lockdown day, close ang city public market, wala din pong lalabas ng bahay, yun lang pong may medical emergencies ang pinapayagang lumabas, at ang vital establishments such as grocery stores and drugstores po sa labas ng city public market ay nananatiling open para sa mga kailangan ng medical emergencies at mga taong nasa malapit, sa mga residential brgys ay pwede pong magbukas ang mga sari sari stores kaya yung bibili lang po sana ang lumalabas ng bahay.
> Yung mga inuman, uulitin nanaman po natin na panahon po ngayon ng crisis, maraming nahihirapan na sa sitwasyon ngayon, itigil po muna yan at magnilay-nilay. Kung hindi po gagawin ng gobyerno ang ginagawa ngayon ay tatamaan po tayo ng plague na kagaya ng black death na nangyari sa europa ilang siglo na ang nakakaraan..or baka po mas higit pa ang mangyayari, kaya wag pong katigasan ng ulo ang pairalin kundi ang kaligtasan po ng pamilya, ng ibang malapit na tao ating buhay, at ng buong community.
- Maraming salamat po and remain covid-19 free always.