The BPOC, BDRRMC and BHERT joined in information dissemination within the barangay regarding community response against COVID-19 by using the megaphone and posting of IEC materials in front of sari-sari stores:
"Magandang Araw Po Sa Ating Lahat, Mga Kabarangay!"
- Bawal po ngayon ang mag inuman ng alak sa labas ng bahay, hinuhuli po ng pulis at ng barangay ang ma-aktuhang umiinom ng alak sa labas ng bahay as per our City Mayor Benjamin Magalong. Hindi rin po tino-tolerate o pinapayagan ang paglalabas ng bahay ng hindi naman kinakailangan at ang pagkumpol-kumpol ng mga tao sa mga tindahan, kanto at iba pang public places sa barangay."
- Ang schedule po natin sa Baguio City Public Market ay status quo, yung dati pa rin po, di pa po nagbago.
- Ang schedule po natin sa Baguio City Public Market ay status quo, yung dati pa rin po, di pa po nagbago.
- Ang mga sari-sari stores po ay kailangang open na lamang from 5 A.M. to 8 P.M. po.
- Para po sa mga displaced workers pero hindi napasama sa listahan na nauna nang naisubmit sa DSWD, paki-approach po ang barangay kagawad na sumsakop sa inyong purok para sabihin na kayo ay displaced workers para kung may next na intake/submission of names for food packs ay kasali na po kayo.
- For motorcycles, bawal angkas na daw po ngayon dahil sa daming nag-aangkas ay grossly violated na daw po ang social distancing na isang protocol ng ECQ. Bawal ang angkas na daw po ngayon.

- Reiterating that everyone must always observe social distancing of at least 1 meter from each other and kung kayo naman po ay lalabas gamit ang sasakyan ay panatilihin ang 1 seat apart inside the vehicle, always wear facemask and always use disinfectant especially before and after touching gadgets or things na madalas hinahawakan din ng ibang tao gaya ng ATM keypad, door knobs, railings, atbp.
- Reiterating also na 24 hours curfew po para sa mga bata, naka home quarantine po dapat sila hangga't maaari, Sa mga adults naman po, ang paglabas lang po sana ay upang bumili ng basic needs, magtrabaho, o kung merong medical emergency. Mas lalo lang po tayong mai-istriktohan kung di natin sundin ang mga rules, guidelines, and protocols ng enhanced community quarantine, Luzon lockdown, at ng national state of calamity.
- Marami pong nagtatanong kung may facemask sa brgy hall for distribution, wala po, yung wala pong facemask, pwede pong pantakip sa bibig at ilong ang scarf, panyo, at ibang cloth na nilagyan ng cord o tali upang hindi madaling matanggal.
- Ngayong sunday po ay open ang ating brgy hall for transaction and monitoring with regards to the enhanced community quarantine and the national calamity status ng bansa, kung may transaction po kayo sa barangay hall ay pwede po kayong pumunta duon provided po na sundin nyo ang ECQ protocols at kung maaari ay isang tao lang per household ang pumunta duon.
- Kung mananatili pong matigas ang ating ulo at hindi sinusunod ang mga inilalatag na panuntunan ay baka po mas lalong tatagal ang lockdown at quarantine ng community, at baka po mas lalong maghihigpit ito o kaya ay ma-lockdown ang buong barangay, kaya sumunod na lang po tayo and police your own family, kins and friends po.

No comments:
Post a Comment