Indibidwal Na Aksyon Upang Masugpo Ang Kinatatakutang Dengue

(Tumulong Upang Masugpo Ang Dengue Sa Iyong Barangay)

A. Hanapin at linisin ang maaaring pamugaran ng mga lamok at gawin ang mga sumusunod:

- Butasan, biyakin o kaya ay lagyan ng lupa ang mga lumang gulong upang hindi maipunan ng tubig at pangitlugan ng lamok.
- Takpan ang mga drums, timba at iba pang ipunan ng tubig upang hindi pamahayan ng kiti-kiti at linisin ang mga ito minsan isang linggo.
- Palitan ng tubig ang plorera o flower vase minsan isang linggo.
-Linisin at alisin ang tubig sa paminggalan.
- Itapon ang iba pang bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig na pangitlugan ng lamok tulad ng lata, bote at tansan.
- Linisin ang alulod ng bahay upang hindi maipunan ng tubig at pamahayan ng kiti-kiti.

B. Magpatingin sa Health Center kung may sinat na ng dalawang araw.

No comments:

Post a Comment

Remembering the 1990 Luzon Earthquake (The Silent Strength)

On July 16, 1990, a 7.8-magnitude earthquake struck Luzon, its tremors carving a path of devastation through Baguio City and neighboring pro...